Mahigpit na kawalang-kasiyahan at mariing pagtutol, inihayag ng panig Tsino sa panig Amerikano

2024-02-07 10:43:11  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, kinausap ni US Assistant Secretary of State for East Asian and Pacific Affairs Daniel J. Kritenbrink ang 4 na tumatakas na anti-China rioters na kinabibilangan nina Anna Kwok, Elmer Yuen, Frances Hui at Joey Siu, at inilabas niya ang di-angkop na pananalita sa social media.


Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 6, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mahigpit na kawalang-kasiyahan at mariing pagtutol ng panig Tsino sa lantarang pakikipagsabwatan ng mataas na opisyal Amerikano sa anti-China rioters na tumatakas mula sa Hong Kong.


Sinabi niya na ang nasabing kilos ng Amerika ay hindi lamang malubhang lumalapastangan sa diwa ng pangangasiwa alinsunod sa batas, kundi naibubunyag pa ang palagiang isinasagawang double standards ng panig Amerikano sa mga isyung gaya ng karapatang pantao at pangangasiwa alinsunod sa batas.


Diin pa niya, ang suliranin ng Hong Kong ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ang panghihimasok dito ng mga dayuhang puwersa.


Salin: Lito

Pulido: Ramil