Xi Jinping, bumati sa bagong pangulo ng Namibia

2024-02-07 16:33:45  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Pebrero 7, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ng mensahe pambati kay Nangolo Mbumba bilang bagong pangulo ng Namibia.


Idiniin ni Xi na malalim ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at masagana ang mga natamong buna ng kooperasyon sa iba’t ibang larangan.


Kasama ni Mbumba, nakahanda aniya siyang pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at pangalagaan ang pandaigdigang katarungan at komong kapakanan ng mga umuunlad na bansa.

 

Salin: Ernest

Pulido: Ramil