Xi Jinping, bumati sa pagkakatatag at operasyon ng Qinling Station sa Antarctica

2024-02-07 15:40:45  CMG
Share with:

Nagpadala Miyerkules, Pebrero 7, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensahe pambati sa pagkakatatag at pagsisimula ng operasyon ng Qinling Station ng Tsina sa Antarctica.


Inihayag din niya ang pagbati ng Chinese Lunar New Year sa mga tauhang nagtatrabaho para sa polar research.


Ani Xi ang taong 2024 ay ika-40 anibersaryo ng usapin ng Tsina sa polar research at nitong 40 taong nakalipas, umunlad nang malaki at masagana ang mga natamong bunga ng usaping ito.


Aniya, ito ay nagmula sa walang humpay na pagpupunyagi at pagsisikap ng mga tauhang nagtatrabaho para sa polar research.


Umaasa si Xi na maayos na gagamitin ng mga tauhan ang Qinling Station para mas aktibong pangalagaan at gamitin ang yaman ng polar para bigyang ambag ang buong sangkatauhan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil