Xi Jinping, bumati sa bagong halal na pangulo ng El Salvador

2024-02-07 15:44:37  CMG
Share with:

Nagpadala Pebrero 5, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng mensaheng pambati kay Nayib Bukele, para sa kanyang muling pagkahalal bilang pangulo ng El Salvador.


Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, mabilis na umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa, at masagana ang mga natamong bunga ng aktuwal na kooperasyon.


Ani Xi, pinahahalagahan niya ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at nakahandang pasulungin ang bilateral na relasyon at kooperasyon sa iba’t ibang larangan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil