Ayon sa ulat ng lokal na pamahalaan, hanggang alas-2 kaninang hapon, Pebrero 7, 2024, 6 katao ang patay, 31 ang sugatan at 46 ang nawawala sa naganap na pagguho ng lupa sa Lalawigan ng Davao de Oro, katimugan bahagi ng Pilipinas, gabi ng Pebrero 6.
Naganap ang naturang pagguho ng lupa sa isang minahan sa bayan ng Maco, Davao de Oro, at karamihan sa mga pampasaherong bus ay natabunan ng gumuhong lupa habang ang mga kalapit na mga 758 na pamilya ay nailikas na.
Sa kasalukuyan, dinala ang 31 sagutan sa pinakamalapit na ospital upang makatanggap ng paunang lunas.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Pilipinas, ang sanhi ng pagguho ng lupa ay patuloy na malakas na pag-ulan.
Salin: Si Yuan
Pulido: Ramil