Pangulong Tsino, nagpaabot ng pagbating pambagong-taon sa mga di-CPC miyembro

2024-02-08 10:39:27  CMG
Share with:

Sa okasyon ng Spring Festival, tradisyonal na pestibal ng Nasyong Tsino, nagtipun-tipon sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar, mga personahe mula sa di-CPC partido, All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC), at mga personaheng walang kaakibat ng partido upang magkakasamang salubungin ang Spring Festival.

Sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, ipinaabot ni Xi ang taos-pusong pangumusta at pagbating pambagong-taon sa nasabing mga personahe.


Sa kanyang talumpati, ipinagdiinan ni Xi na noong isang taon, kasama ng buong partido at mga mamamayan ng iba’t-ibang nasyonalidad ng buong bansa, buong sikap na isinulong ng Komite Sentral ng CPC ang pagbangon ng kabuhayan, at matagumpay na naisakatuparan ang pangunahing inaasahang hangarin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

Ito rin ang bunga ng kapit-bisig na pagpupunyagi ng mga personahe mula sa di-CPC partido, All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC), at mga personaheng walang kaakibat ng partido, ani Xi.


Sa 2024, umaasa siyang patuloy silang magsisikap upang makapagbigay ng katalinuhan at lakas sa pagpapasulong ng modernisasyong Tsino, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil