Tsina, buong sikap na pasusulungin ang bagong kalidad ng produktibidad

2024-02-08 11:27:01  CMG
Share with:

Kamakailan, iniharap ng Tsina ang buong sikap na pagpapasulong ng bagong kalidad ng produktibidad.


Ibig-sabihin, pasusulungin ng Tsina ang pambansang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa pamamagitan ng inobasyon ng agham at teknolohiya at magtatampok sa de-kalidad at episeyansya ng pag-unlad sa halip ng paglaki lamang.

Para rito, isinagawa ng Tsina ang isang serye ng hakbangin sa pagbabago ng tradisyonal na industriya, pagpapasigla sa bagong industriya, pagsuporta sa pananaliksik ng bagong teknolohiya, at paglilinang ng mga talento.

Kasabay ng pagpapasulong ng bagong kalidad ng produktibidad, patuloy na iginigiit ng Tsina ang pagbubukas sa labas at kooperasyon sa ibang mga bansa para isakatuparan ang komong pag-unlad ng mundo at magkasamang harapin ang mga pandaigdigang hamon sa pag-unlad.

Salin: Ernest

Pulido: Ramil