Xi Jinping, bumati sa pagkahalal ni Aliyev bilang pangulo ng Azerbaijan

2024-02-08 16:31:50  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Pebrero 8, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ng mensaheng pambati kay Ilham Aliyev sa muling pagkahalal niya bilang Pangulo ng Azerbaijian.


Tinukoy ni Xi na nitong ilang taong nakalipas, nananatiling malusog at matatag ang relasyon ng dalawang bansa.


Ani Xi, kasama ni Pangulong Aliyev, nakahanda siyang pasulungin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa sa bagong antas.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil