Bulaklak para sa Bagong Taong Tsino, dumarami ang benta

2024-02-08 11:03:08  CMG
Share with:

Sa papalapit na Bagong Taon ng Dragon ng Tsina ngayong 2024, naging bahagi na ang sariwang bulaklak sa "listahan ng kailangang bilhin para sa Bagong Taong Tsino" ng mga mamamayan sa Tsina. Kaya naman magiging mataas ang antas ng pagkonsumo sa merkado ng mga bulaklak.

Sa kasalukuyan, ang suplay ng mga sariwang bulaklak kada linggo sa iba't ibang bahagi ng Tsina, ay umaabot sa mahigit 5 milyon. Ang bagong produkto na "Macaron Phalaenopsis" ay naging "bagong mahal" sa merkado ng mga bulaklak ngayong taon.

 

Ang pagkonsumo ng bulaklak sa merkadong Tsina ay nagbibigay din ng pagkakataon para sa mga pandaigdigang negosyante. Mula sa kalagitnaan ng Disyembre, 2023, nag-angkat ang Shanghai Pudong International Airport ng kabuuang halos 150 toneladang sariwang bulaklak, na may halagang halos 15 milyong yuan Renminbi.


Salin: Siyuan Li