Tsina at Portugal, bumati sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko

2024-02-08 16:28:45  CMG
Share with:

Nagpadala ngayong araw, Pebrero 8, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang counterpart na si Marcelo Rebelo de Sousa ng Portugal ng mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.


Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Xi ang lubos na pagpapahalaga sa relasyon ng dalawang bansa at kasama si Pangulong de Sousa, nakahanda aniya siyang magsikap para palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, makinabang nang mas maganda sa kanilang mga mamamayan, at pasulungin ang malusog at matatag na relasyon ng Tsina at Europa.


Ipinahayag naman ni de Sousa na nananatiling mainam ang relasyon ng dalawang bansa at mapagkaibigang pagpapalitan sa pulitika, kabuhayan, kultura at lipunan.


Aniya, kasama ng Tsina, nakahanda ang Portugal na pasulungin ang mas malaking pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.

 

Salin: Ernest

Pulido: Ramil