Pangulong Tsino, nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa yumaong dating Pangulo ng Chile

2024-02-08 16:13:38  CMG
Share with:

Ipinadala, Pebrero 7, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay kay Michelle Bachelet, Pangulo ng Chile, kaugnay ng pagyao kamakailan  ni Sebastian Piñera, dating Pangulo ng bansa.

 

Sa ngalan ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino, ipinahayag ni Xi ang malalim na pakikidalamhati kay Piñera, at taos-pusong pakikiramay sa kanyang mga kamag-anak, at mga mamamayang Chilean.

 

Ani Xi, si Piñera ay isang kahanga-hangang estadista sa Chile, at nagbigay ng positibong ambag para sa pagsulong ng ugnayan sa pagitan ng Tsina at Chile, pagpapalakas ng pagkakaibigan at pagtataguyod ng mas matatag na kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

Pinahahalagahan ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon sa Chile, at nakahanda na magsikap, kasama ng Chile, para patuloy na palakasin at itaguyod ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa, dagdag pa ni Xi,

 

Salin:Si Yuan

Pulido: Ramil