Mahigit 2100 media ng 200 bansa’t rehiyon, isasagawa ang live coverage at pagbabalita sa Spring Festival Gala ng CMG

2024-02-09 10:02:51  CMG
Share with:

Alas-8:00 mamayang gabi ng Pebrero 9, 2024 (Bisperas ng Chinese New Year), itatanghal ang Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

Sa ngayon, ang nasabing gala ay hindi lamang nagsisilbing isang pagtatanghal na pangkultura ng mga Tsino sa buong mundo sa pagbabahagi ng kanilang kasayahan at magkakasamang pagdiriwang sa Pestibal ng Tagsibol, kundi maging isang pinto upang alamin ng daigdig ang kulturang Tsino at Spring Festival.

Kasama ng mahigit 2100 media ng 200 bansa’t rehiyong gaya ng Amerika, Kanada, Britanya, Pransya, Alemanya, Italya, Rusya, Hapon, Brazil, Australia, India, Pakistan, Singapore, Indonesia, Laos, Cambodia, Timog Aprika at Kenya, isasagawa ng mga new media platform ng China Global Television Network (CGTN) ang live coverage at pagbabalita sa Spring Festival Gala ng CMG upang ibahagi ang espesyal na pang-akit ng Pestibal ng Tagsibol at kulturang Tsino sa mga mamamayan ng buong mundo.


Salin: Lito

Pulido: Ramil