Pangulong Tsino at Ruso, nag-usap

2024-02-09 10:10:15  CMG
Share with:

Sa okasyon ng bagong taong Tsino, nag-usap sa telepono Pebrero 8, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.


Ipinaabot ng dalawang lider ang bating pambagong-taon sa isa’t-isa.


Tinukoy ni Xi na darating na Chinese Spring Festival, lubos ang pag-asa at kompiyansa ng mga mamamayang Tsino sa darating na Taon ng Dragon, aniya.


Ipinahayag naman ni Putin na nagiging simbolo ng katalinuhan at lakas ang dragon sa kulturang Tsino. Bumati siya ng Manigong Bagong Taon ng Dragon sa mga mamamayang Tsino.


Tinukoy ni Xi na ang kasalukuyang taon ay ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya. Sa hinaharap, kahaharapin aniya ng relasyong Sino-Ruso ang bagong pagkakataon ng pag-unlad.


Kasama ng panig Ruso, nakahanda ang panig Tsino na magsikap upang kapit-bisig na likhain ang bagong kabanata ng relasyong Sino-Ruso.


Ipinahayag naman ni Putin na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap, umabot ang relasyong Ruso-Sino sa di-katuld na mataas na lebel.


Iginigiit aniya ng panig Ruso ang prinsipyong isang-Tsina, at tinututulan ang anumang mapanganib na aksyon ng probokasyon sa Tsina sa isyu ng Taiwan.


Malaliman ding nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang lider tungkol sa kasalukuyang mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil