Mga lider ng mga bansa at organisasyong pandaigdig, ipinahayag ang bating pambagong taon sa mga Tsino

2024-02-10 10:02:08  CMG
Share with:

Nitong ilang araw na nakalipas, ipinadala ng mga lider ng mga bansa at organisasyong pandaigdig ang mga liham o mensahe kay Pangulong Xi Jinping Tsina, bilang pagbating pambagong taon sa mga mamamayang Tsino, habang ipinagdiriwang nila ang Taon ng Dragon.

 

Kabilang sa kanila ay mga pangulo ng Indonesia, Belarus, Kazakhstan, Tajikistan, Syria, Senegal, Central African Republic, Seychelles, Serbia, Hungary, Cyprus, at Pangkalahatang Kalihim ng United Nations.

 

Ipinahayag din nila ang pag-asang, sa bagong taon, ibayo pang mapapalalim ang relasyon at pakikipagkooperasyon ng kani-kanilang bansa at organisasyon sa Tsina.


Editor: Liu Kai