Mula ipinagdiwang sa unang pagkakataon ng punong himpilan ng United Nations (UN) sa Vienna ang bagong taong Tsino, hanggang muling idinaos ng punong himpilan ng UN sa New York ang Spring Festival gala, nagiging mas mainit ang atmospera ng bagong taon sa iba’t-ibang sulok sa daigdig makaraang tiyakin ang Spring Festival bilang floating holiday ng UN.
Mula “taon ng Tsina” hanggang “taon ng daigdig,” ipinagkaloob ng Pestibal ng Tagsibol sa Taon ng Dragon ang bagong puwersa at pagkakataon sa pagka-unawa ng mga mamamayan sa daigdig sa Tsina at kulturang Tsino.
Ang Pestibal ng Tagsibol ay pinakamatanda at pinakamahalagang tradisyonal na kapistahang Tsino. Ang paglalagay nito bilang floating holiday ng UN ay sumasagisag sa pagpapaliban ng pulong ng mga organo ng UN sa araw ng kapistahang ito upang magkaroon ang mga tao ng mas maraming pagkakataon na maunawaan ang kulturang Tsino.
Sa ngayon, ipinagdiwang ng halos 1/5 populasyon ng buong mundo ang bagong taong Tsino sa iba’t-ibang porma, at itinanghal sa halos 200 bansa’t rehiyon ang mga tradisyonal na aktibidad ng kapistahang ito.
Tinukoy ng tagapag-analisa na nagtataglay ang Spring Festival ng ideya ng kulturang Tsino na tulad ng kapayapaan at harmoniya.
Sa pamamagitan ng pagdaranas ng iba’t-ibang uri ng aktibidad sa pestibal, ibayong nalaman ng mga mamamayan sa daigdig ang pagbubukas, inklusibidad, at inobasyon ng kulturang Tsino.
Sa tradisyonal na kulturang Tsino, simbolo ng katalinuhan at lakas ang dragon.
Habang ipinagdiriwang ang bagong taon ng dragon, nananatili pa ring maligalig at magulo ang maraming lugar sa daigdig.
Sa bagong taong 2024, lubos na kinakailangan ang katalinuhan at katapangan sa paglutas sa mga problema sa daigdig.
Salin: Lito
Pulido: Ramil