Spring Festival greeting card, ipinadala nina Xi Jinping at Peng Liyuan sa mga guro at estudyante ng Lincoln High School ng Amerika

2024-02-11 12:57:25  CMG
Share with:

Ipinadala Pebrero 11, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Unang Ginang Tsino na si Peng Liyuan ang Spring Festival greeting card sa mga guro at estudyante ng Lincoln High School ng Amerika upang ipaabot ang pagbating pambagong-taong Tsino sa kanila.


Ipinahayag nina Xi at Peng na ang pagtanggap sa pagbisita ng mga guro at estudyanteng Amerikano sa Tsina ay para mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Sino-Amerikano, partikular na sa pagitan ng mga kabataan ng kapuwa bansa.


Nauna rito, ipinadala ng mga guro at estudyante ng Lincoln High School ang Spring Festival greeting card kina Xi Jinping, Peng Liyuan at lahat ng mga mamamayang Tsino upang ipahayag ang kanilang pagbating pambagong-taong Tsino sa mga mamamayang Tsino.


Salin: Lito

Pulido: Ramil