Promosyon ng 2024 Spring Festival Gala ng CMG, nakalikha ng bagong rekord

2024-02-11 09:37:06  CMG
Share with:

Pinasinayaan Pebrero 9, 2024 Bisperas ng Chinese New Year, ang 2024 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).


Sa lubos na paggamit ng bentahe ng pagpapalaganap, inihandog ng CMG ang isang pagtatanghal na pangkultura para sa buong daidig.


Bunga ng kaukulang pagbabalita ng nasabing gala, nakamit ang komprehensibong breakthrough, at nakalikha ng iba’t-ibang datos ng pagpapalaganap ang bagong rekord sa kasaysayan.


Hanggang ala una ng hapon ng Pebrero 10, lumampas sa 695 milyong person-time ang mga dayuhang nanood sa pagbabalita ng Spring Festival Gala sa iba’t ibang lengguwahe, at 250 milyong person-time naman ang bolyum ng nanonood sa mga videos.


Isinahimpapawid at ikinober din ng mahigit 2300 media ng 200 bansa’t rehiyon ang Spring Festival Gala.


Isinahimpapawid at ini-promote ng 3285 public large screen sa 49 na bansa at 90 lunsod ng buong daigdig ang naturang gala.


Bukod pa riyan, lumahok ang mga netizen mula sa 68 bansa’t rehiyon sa kompetisyon ng sayaw na may temang Taon ng Dragon sa Spring Festival Gala, at pumalo sa 589 milyong person-time ang nanood sa buong daigdig.


Salin: Lito

Pulido: Ramil