Beijing, magtataguyod ng 2029 World Aquatics Championships

2024-02-12 17:23:46  CMG
Share with:

Ipinahayag Pebrero 11, 2024, sa Doha, Qatar, ng World Aquatics na ang Beijing ang magtataguyod ng 2029 World Aquatics Championships.

 


Nang araw ring iyon sa isang press conference, sinabi ni Husain Al Musallam, Presidente ng World Aquatics, na muling itataguyod ng Beijing ang mahalagang kaganapan sa paglangoy, at magkakaloob ng mabuting kondisyon para sa mga atleta.

 

Ipinahayag naman ni Zhou Jihong, Presidente ng China Swimming Association na magiliw ang mga Tsino sa paglangoy at may mahabang kasaysayan at tradisyon.

 

Malugod aniyang tinatanggap ng Tsina ang mga atleta mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. Isang malaking karangalan para sa Beijing ang pagtataguyod ng isang malakaing kaganapan ng paglangoy na ito, saad pa niya.

 

Matagumpay na idinaos ng Beijing ang Summer Olympic Games, Winter Olympic Games at maraming pangunahing pandaigdigang kaganapan ng palakasan, at may masaganang karanasan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil