Mga guro at estudyante ng Lincoln High School ng Amerika, lubos na nananabik sa gagawing biyahe sa Tsina

2024-02-13 10:05:48  CMG
Share with:

Ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Unang Ginang Tsino na si Peng Liyuan ang Spring Festival greeting card sa mga guro at estudyante ng Lincoln High School ng Amerika upang ipaabot ang pagbating pambagong-taong Tsino sa kanila.

Ipinahayag nina Xi at Peng na ang pagtanggap sa pagbisita ng mga guro at estudyanteng Amerikano sa Tsina para mapalalim ang pagkakaibigan ng mga mamamayang Sino-Amerikano, partikular na sa pagitan ng mga kabataan ng kapuwa bansa.

Sa pamamagitan ng China Media Group (CMG), ipinahayag ng mga guro at estudyante ng Lincoln High School ang kanilang pasasalamat kina Xi at Peng.

Nagpahayag din sila ng lubos na pananabik sa gagawing biyahe sa Tsina.


Noong Nobyembre ng 2023, idineklara sa San Francisco ni Pangulong Xi ang kahandaan ng panig Tsino na sa loob ng darating na 5 taon, imbitahan ang 50 libong kabataang Amerikano sa pag-aaral sa Tsina.

Ang Lincoln High School ay isa sa mga paaralang Amerikano na sumapi sa proyektong ito.


Pupunta ang unang pangat ng guro at estudyante sa maraming lunsod ng Tsina sa darating na Marso, at isasagawa ang pakikipagpalitan sa CMG.


Salin: Lito