Paglaki ng kabuhayang Ruso noong 2023, mas mataas kumpara sa pagtaya — Vladimir Putin

2024-02-13 09:40:25  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, sa pulong ng kabuhayan na idinaos Pebrero 12, 2024 sa pamamagitan ng video link, ipinahayag ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na lumaki ng 3.6% ang Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ng bansa noong 2023 na mas mataas kumpara sa naunang pagtaya.


Sinabi niya na ayon sa pinakahuling datos, ang paglaki ng kabuhayang Ruso noong isang taon ay mas mataas kumpara sa karaniwang lebel ng buong daigdig.


Naunang tinaya ng International Monetary Fund (IMF) na 3% ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig noong 2023.


Salin: Lito