Tsina, nanawagan sa Israel na itigil ang aksyong militar sa lalong madaling panahon

2024-02-13 16:58:59  CMG
Share with:

Inilunsad kamakailan ng Israel ang malawakang airstrike sa Rafah, dakong timog ng Gaza Strip na nagbunsod ng grabeng human casualty.


Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 13, 2024 ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na mahigpit na sinusubaybayan ng panig Tsino ang pag-unlad ng situwasyon sa Rafah.


Tinututulan at kinokondena aniya ng panig Tsino ang anumang aksyong nakakapinsala sa mga sibilyan at lumalabag sa pandaigdigang batas.


Nanawagan ang panig Tsino sa Israel na itigil ang aksyong militar sa lalong madaling panahon at iwasan ang kasuwalti ng mga inosenteng sibilyan upang mapigilan ang paglitaw ng mas malubhang makataong krisis sa Rafah.


Salin: Lito