Di-kukulangin sa 20 katao, nasawi sa pagsalakay ng Israel sa dakong gitna at hilaga ng Gaza Strip

2024-02-14 10:05:04  CMG
Share with:

Ayon sa Palestinian news agency Pebrero 13, 2024, sinalakay nang araw ring iyon ng tropang Israeli ang maraming lugar sa dakong gitna at hilaga ng Gaza Strip na ikinasawi ng di-kukulangin sa 20 katao.


Ayon pa sa datos na isinapubliko nang araw ring iyon ng departamentong pangkalusugan ng Palestina sa Gaza Strip, ikinasawi ng 133 katao ang pagsalakay ng tropang Israeli sa Gaza nitong 24 na oras na nakalipas, at ikinasugat ng 162 iba pa.


Sapul nang sumiklab ang bagong round ng sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel noong Oktubre 7, 2023, mahigit 28.4 libong kamatayan at mahigit 68 libong kasugatan ang ibinunsod ng aksyong militar ng Israel sa Gaza Strip.


Salin: Lito