Impeachment sa U.S. Homeland Security Secretary, pinagtibay ng House of Representatives

2024-02-14 10:08:02  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng pagboto, pinagtibay Pebrero 13, 2024 ng United States House of Representatives ang impeachment kay Homeland Security Secretary Alejandro Mayorkas.


Si Alejandro Mayorkas ay pinakamataas na opisyal ng pamahalaan ni Joe Biden na namamahala sa seguridad sa purok-hanggahan ng bansa.


Pinaratangan ng House Republicans si Mayorkas na may balak at sistematikong tinanggihan niya ang pagpapatupad ng batas sa isyu ng migrasyon, bagay na nagdulot ng pagkabigo ng pangangasiwa at pagkontrol sa migrasyon sa purok-hanggahan ng Amerika at Mexico.


Salin: Lito