CCG, pinalayas ang bapor ng Pilipinas na ilegal na pumasok sa territorial waters ng Tsina

2024-02-15 23:53:48  CMG
Share with:

Sinabi, Pebrero 15, 2024, ni Tagapagsalita Gan Yu ng China Coast Guard (CCG), na pinalayas nang araw ring iyon ng CCG ang isang bapor ng Pilipinas na ilegal na pumasok sa rehiyong pandagat ng Huangyan Island sa South China Sea.

 

Ayon kay Gan, ang naturang bapor ay MCS-3005 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ng Pilipinas, at naglayag ito sa nabanggit na karagatan sa kabila ng paulit-ulit na babala mula sa CCG.

 

Sinabi ni Gan, na propesyonal at alinsunod sa batas ang paghawak ng CCG ng pangyayaring ito.

 

Konsistente aniya ang mga aktibidad ng pagpapatupad ng batas ng CCG sa karagatan sa ilalim ng hurisdiksyon ng Tsina, at mayroon itong matatag na determinasyon para pangalagaan ang soberanya at mga karapatan at kapakanan ng bansa sa dagat.


Editor: Liu Kai