Tsina sa Pilipinas: solemnang hawakan ang isyung pandagat

2024-02-19 20:13:10  CMG
Share with:

Inihayag Pebrero 17, 2024 ng Kagawaran ng Pangingisda at Yamang Patubig ng Pilipinas na laging ginagamit ng mga mangingisdang Tsino ang cyanide sa Huangyan Dao na may-balak na nakakapinsala sa tradisyonal na pangisdaan ng mga mangingisdang Pilipino.


Ipinahayag din nang araw ring iyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang mga nagawa ng mangingisdang Tsino ay lumalabag sa pagkatao at lumalapastangan sa soberanya ng Pilipinas.


Ipinahayag pa Pebrero 18 ng PCG na walang anumang siyentipikong ebidensya na ginamit ng mangingisdang Tsino ang cyanide sa pagsisira sa mga yamang pandagat sa Huangyao Dao.


Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na ang nasabing posisyon ng panig Pilipino tungkol sa may-balak na pagsira ng mangingisdang Tsino sa kapaligirang ekolohikal ng Huangyao Dao ay niluto ng walang anumang batayan.


Sinabi niya na may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Dao at nakapaligid na karagatan. Lubos aniyang pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at yamang pangingisda, at mahigpit na binibigyang-dagok ang mga ilegal na pangingisda.


Nitong ilang araw na nakalipas, madalas na inilalabas ng panig Pilipino ang pekeng impormasyong pandagat na nakakapagpasidhi sa maigting na situwasyong pandagat at nakakapinsala sa matatag na relasyong Sino-Pilipino, saad ng tagapagsalitang Tsino.


Umaasa ang panig Tsino na solemnang hahawakan ng kaukulang departamentong Pilipino ang mga isyung pandagat, at magsisikap kasama ng panig Tsino upang magkasamang mapangalagaan ang relasyong Sino-Pilipino at kapayapaan at katatagan sa South China Sea, diin pa niya.


Salin: Lito