Ministrong panlabas ng Tsina, kinatagpo ng chancellor ng Alemanya

2024-02-19 15:19:29  CMG
Share with:

Pebrero 17, 2024 (lokal na oras) – Kinatagpo sa sidelines ng Ika-60 Munich Security Conference (MSC), ni Chancellor Olaf Scholz ng Alemanya si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina.

 

Ipinihayag ni Wang, na kahit may kaguluhan ang kasalukuyang situwasyon at may kahinaan ang panunumbalik ng kabuhayang pandaigdig, nakahandang gampanan ng Tsina ang aktibong papel para sa katatagan ng mundo.

 

Aniya, suportado ng Tsina ang Alemanya sa pagganap nito ng mas malaking papel sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Pinapasulong ang modernisasyong Tsino, de-kalidad na pag-unlad, at mataas na lebel na pagbubukas sa labas, na magpapalakas sa kabuhayang Tsino, at magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa Alemanya at iba pang mga bansa, dagdag ni Wang.

 

Dapat aniyang alisin ng kapuwa panig ang mga balakid, at patuloy na pasulungin ang pagbubukas at malayang kalakalan, para ibayo pang palalimin ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangang gaya ng ekonomiya at kalakalan.

 

Samantala, sinabi ni Scholz, na kasama ng Tsina, nakahandang pabutihin ng Alemanya ang pagpapalitan sa mataas na antas ngayong taon, tungo sa pagkakamit ng mas maraming aktuwal na bunga sa kooperasyon.

 

Magkasama rin aniyang pangangalagaan ng dalawang bansa ang kapayapaan at katatagan ng mundo.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio