PLA, mahigpit na sinusubaybayan ang magkasanib na pagpapatrolya ng Pilipinas sa South China Sea

2024-02-20 14:30:36  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng Southern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, Lunes, Pebrero 19, 2024, inorganisa ng PLA ang pambungad na hukbong-dagat at panghimpapawid, para mahigpit na subaybayan ang magkasanib na pagpapatrolya sa himpapawid ng Pilipinas sa South China Sea (SCS).

 

Ayon sa pahayag, pinagsama-sama ng panig Pilipino ang bansa sa labas ng rehiyon para pumukaw ng kaguluhan sa SCS, at sinasadyang pinainit ang mga paksang may kinalaman sa naturang pagpapatrolya.

 

Lubos na pinapanatili ng hukbong Tsino ang mataas na lebel ng pagbabantay para buong tatag na ipagtanggol ang pambasang integridad ng teritoryo at mga karapatang pandagat, at buong tatag na pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa SCS, dagdag ng pahayag.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil