Pagprotekta sa kapaligirang ekolohikal at yamang pangingisda, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino

2024-02-20 10:15:26  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, inihayag Pebrero 17, 2024 ng Kagawaran ng Pangingisda at Yamang Patubig ng Pilipinas na laging ginagamit ng mga mangingisdang Tsino ang cyanide sa Huangyan Dao na may-balak na nakakapinsala sa tradisyonal na pangisdaan ng mga mangingisdang Pilipino.


Kaugnay nito, pinabulaanan Pebrero 19, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang nasabing posisyon ng panig Pilipino.


Inulit niya ang di-mapapabulaanang soberanya ng Tsina sa Huangyan Dao at nakapaligid na karagatan.


Dagdag pa niya, lubos na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal at yamang pangingisda, at mahigpit na binibigyang-dagok ang mga ilegal na pangingisda.


Salin: Lito

Pulido: Ramil