Proteksyonismong pangkalakalan, hindi nakakatulong sa pag-unlad ng industriya ng kotse – Mao Ning

2024-02-21 15:08:14  CMG
Share with:

 

Kaugnay ng paglilimita ng Amerika at Unyong Europeo (EU) sa industriya ng kotse ng Tsina, sinabi, Pebrero 20, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang paggawa at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ay mga pangunahing katangian ng kadena ng industriya ng kotse.

 

Ang proteksyonismong pangkalakalan na ginagawa aniya ng mga may kinalamang bansa laban sa industriya ng kotse ng Tsina ay nagsisilbing pagsasa-ideolohiya ng isang normal na isyung pangkalakalan.

 

Ito aniya ay hindi nakakatulong sa kaunlaran at kasaganaan ng daigdig.

 

Sinabi rin ni Mao, na palagiang iginigiit ng Tsina ang pagpapasulong ng iba’t-ibang panig sa komong pag-unlad at paglikha ng isang magandang kapaligiran para sa pandaigdigang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio