Sinaunang bayan ng Wulan, ipinakita: Pestibal ng Parol ng Tsina, paparating na

2024-02-21 14:33:45  CMG
Share with:


Bilang pagsalubong sa paparating na Pestibal ng Parol ng Tsina, ipinakita’t itinanghal kamakailan ang Wulan Ancient Town Scenic Spot, lunsod Zhangye, lalawigang Gansu, hilagang kanluran ng bansa.

 

Para sa maraming mamamayan, ang Pestibal ng Parol ng Tsina o “Yuan Xiao Jie” sa wikang Tsino, ay katapusan ng pagdiriwang ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino.

 


Ipinagdiriwang ang kapistahang ito tuwing ika-15 araw ng unang buwan ng Tradisyunal na Kalendaryong Tsino, na tumatapat ngayong taon sa Pebrero 24.

 

Dahil sa kahali-halinang palabas ng mga ilaw at parol, naa-akit ng Wulan Ancient Town ang maraming tursita.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio