Tsina, umaasang mapapalalim ang kooperasyon sa World Bank

2024-02-22 14:59:05  CMG
Share with:

Kaugnay ng paghirang ng World Bank (WB) kay Zhang Wencai, Pangalawang Presidente ng Export-Import Bank ng Tsina, bilang bagong Managing Director and Chief Administrative Officer nito, ipinahayag Pebrero 21, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang malugod na pagtanggap sa naturang pangyayari.

 

Umaasa aniya ang Tsina, na mapapalalim ang kooperasyon sa World Bank.

 

Kinakatigan ng panig Tsino ang pagpapaunlad at pagpapabuti ng kakayahang institusyonal ng WB sa pamamagitan ng reporma, dagdag pa ni Mao.

 

Ito aniya ay makakatulong sa mga umuunlad na bansa sa pagsasakatupran ng sustenableng pag-unlad, at mabisang pagharap sa mga pandaigdigang hamon.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio