Sa kanyang liham na pambati, Pebrero 22, 2024 kay Pangulong Denis Sassou Nguesso ng Congo, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, 60 taon na ang nakakaraan, palagi at nananatiling matapat ang kooperasyon at matatag ang komong pag-unlad ng Tsina at Congo.
Aniya, mayroong pulitikal na pagkakaunawaan ang dalawang bansa, at may mutuwal na kapakinabang sa kabuhayan.
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Congo, nakahanda aniya siyang pag-ibayuhin ang relasyon ng dalawang bansa sa bagong panimulang punto.
Sa kanya namang liham kay Xi, ipinahayag ni Denis Sassou Nguesso na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, palagiang iginigiit ng dalawang bansa ang pagkakaibigan, pagkakaisa at komong hangarin sa kapayapaan, katarungan at kasaganaan.
Mabunga rin aniya ang kooperasyon sa iba’t-ibang larangan sa pundasyon ng pagtitiwalaan sa isa’t-isa at mutuwal na kapakinabangan.
Nakahanda aniya siyang ibayo pang palalimin ang mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio