Ipinahayag kamakailan ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) ng Amerika na sapul noong 2012, sinira ng konstruksyon ng Tsina sa mga isla at pangingisda sa South China Sea (SCS) ang di-kukulangin sa 21 libong acre na coral reef.
Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 24, 2024 ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na ito ay walang katotohanan.
Aniya, pinahahalagahan ng panig Tsino ang pangangalaga sa ekolohiya ng Nansha Islands at nakapaligid na karagatan, at pinoprotektahan at mino-monitor ang kapaligiran alinsunod sa domestikong batas at pandaigdigang batas.
Umaasa aniya siyang igagalang ng kaukulang panig ang katotohanan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio