Fashion show tampok ang red paper-cut sa qipao, idinaos sa Qingdao

2024-02-26 14:57:53  CMG
Share with:

Isang fashion show kung saan, itinampok ang red paper-cut sa qipao, ang idinaos, Pebrero 24, 2024, sa lunsod Qingdao, lalawigang Shandong ng Tsina, at ito’y umakit ng maraming manonood.

 

Ang qipao na isinuot ng mga modelo ay idinisenyo ng mga lokal na artista ng paper-cut.

 

Gamit ang teknik sa tradisyunal na paggupit ng papel ng Tsina o paper-cut, inilagay ng mga artista sa qipao ang mga eleboradong padron na may iba’t-ibang elemento ng tradisyunal na kulturang Tsino, na lumikha ng isang bagong moda.


Kilala rin bilang "cheongsam," ang qipao ay isa sa mga pinakatipikal na tradisyonal na kasuotan ng mga babaeng Tsino.

 

Isa itong uri ng one-piece na mahabang kasuotan, kung saan nababakas ang hubog ng katawan ng may-suot, at may nakatayong kuwelyo, na maaaring magpakita ng kagandahan at elegansya ng babae.

 


Salin: Kulas

Pulido: Rhio