Pangulong Tsino, lumagda sa pampanguluhang utos

2024-02-27 19:59:38  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing Ipininid kaninang umaga ang Ika-8 Sesyon ng Ika-14 na Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.


Nangulo sa sesyon ng pagpipinid si Zhao Leji, Tagapangulo ng NPC.


Matapos ang pagboto, pinagtibay sa sesyon ang binagong Law on Guarding State Secrets.


Lumagda si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pampanguluhang utos bilang 20 upang isapubliko ang nasabing batas.


Salin: Lito