Paglalagay ng Tsina ng harang sa bunganga ng Huangyan Dao, kinakailangang hakbangin

2024-02-27 09:13:59  CMG
Share with:

Nang sagutin ng tanong ng mamamahayag tungkol sa paglalagay kamakailan ng panig Tsino ng harang sa bunganga ng Huangyan Dao, ipinahayag Pebrero 26, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isinasagawa kamakailan ng panig Pilipino ang isang serye ng aksyon sa Huangyan Dao na lumalapastangan sa soberanya ng Tsina.


Walang ibang pagpipilian ang panig Tsino kundi magsagawa ng kinakailangang hakbangin para mapangalagaan ang soberanya ng teritoryo at kapakanang pandagat ng bansa, ani Mao.


Salin: Lito

Pulido: Ramil