Kaugnay ng pahayag, Pebrero 28, 2024 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nakakabahala ang presensya ng hukbong pandagat at mga bapor ng China Coast Guard (CCG) sa Huangyan Dao.
Sinabi nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagi at malinaw ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng South China Sea.
Malubha rin aniyang nababahala ang panig Tsino sa isinasagawang kilos ng panig Pilipino sa South China Sea na lumalapastangan sa soberaya ng Tsina.
Patuloy na isasagawa ng Tsina ang kinakailangang hakbangin upang ipagtanggol ang sariling soberanya at kapakanang pandagat, at pangangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea, saad pa niya.
Salin: Lito
Pulido: Rhio