Kabuhayang Tsino noong 2023, umahon — IMF

2024-03-03 12:10:41  CMG
Share with:

Ayon sa Taunang Review ng Artikulo IV sa Ekonomiyang Tsino na ipinalabas kamakailan ng International Monetary Fund (IMF), umahon ang aktibidad-pangkabuhayan ng Tsina noong 2023, bunga ng muling pagbubukas ng bansa matapos ang pandemiya.


Anito, halos kapareho ng aktuwal na paglaki ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP) ang target ng pamahalaang Tsino na mga 5%.


Anang IMF, ang pag-ahon ng kabuhayang Tsino ay isinulong ng domestikong pangangailangan, partikular, ng pribadong konsumo, at suportibong polisyang makro-eknomiko.


Salin: Lito

Pulido: Rhio