Pagpapalakas ng pagtitiwalaang komersyal ng Tsina at Amerika, ipinanawagan ni Han Zheng

2024-03-03 11:35:22  CMG
Share with:

Sa paanyaya ng American Chamber of Commerce in the People's Republic of China (AmCham China), dumalo at nagtalumpati Marso 1, 2024 sa Beijing si Pangalawang Pangulong Han Zheng ng Tsina sa annual appreciation dinner ng nasabing organisasyon.


Ani Han, ang kasalukuyang taon ay ika-45 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, at ang pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa sa San Francisco, Estados Unidos noong isang taon ay nakapagbigay ng direksyon para sa matatag, malusog, at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.


Sa loob ng nakalipas na halos kalahating siglo, natamo ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ang aktuwal na bunga, na nakakapagbigay ng mahalagang ambag sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng dalawang bansa, saad ni Han.


Umaasa aniya siyang mapapalalim ng sirkulong industriyal at komersyal ng Tsina at Amerika ang pagtitiwalaan, aktibong mapapalawak ang larangang pangkooperasyon, at lilikhain ang paborableng kapaligirang pangkaunlaran upang mapasulong ang matatag at malusog na pag-unlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.


Dagdag pa niya, patuloy at matatag na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas sa labas, at winiwelkam ang mas maraming negosyanteng Amerikano na mamuhunan sa Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Rhio