Pragmatikong bunga, nakamit ng Ika-13 Pulong-ministeryal ng WTO

2024-03-03 11:33:11  CMG
Share with:

Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE) — Pinagtibay Marso 2, 2024 ng mga kalahok sa Ika-13 Pulong-ministeryal ng World Trade Organization (WTO), ang “Deklarasyon ng Abu Dhabi” kung saan, ipinangako nilang palalakasin ang multilateral na sistemang pangkalakalan, at patuloy na pasusulungin ang reporma sa WTO.


Kaugnay nito, nagpasalamat si Ngozi Okonjo-Iweala, Direktor-Heneral ng WTO sa pagsisikap ng iba’t-ibang kasapi upang mahanap ang pagkakasundo.


Bagama't hindi aniya natapos ang ibang mga gawain, nakuha naman ang ilang mahalagang bunga.


Ipinahayag naman ni Thani bin Ahmed Al Zeyoudi, Minister of State for Foreign Trade ng UAE at Presidente ng naturang ika-13 pulong-ministeryal, na bagama’t di-natupad ang lahat ng hangarin sa pulong, ipinangako ng iba’t-ibang panig na ibayo pang palalakasin ang multilateral na sistemang pangkalakalan.


Sa pangunguna ni Wang Wentao, Ministro ng Komersyo ng Tsina, dumalo sa pulong ang delegasyong Tsino, kung saan, aktibo silang nakipagkoordina at nakipagtulungan sa iba’t-ibang kalahok upang maisulong ang mahahalagang hakbang para makuha ang progreso.


Hinggil dito, sinabi Okonjo-Iweala na konstruktibong nakilahok ang Tsina sa lahat ng adiyenda na nagpakita ng malaking suporta ng bansa sa pandaigdigang multilateral na sistemang pangkalakalan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio