Pananalita ng panig Pilipino sa Tsina, kinondena

2024-03-03 12:49:02  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Jose Manuel Romualdez, Embahador ng Pilipinas sa Amerika, na tunay na “flashpoint” ang kasalukuyang South China Sea.


Aniya pa, nahaharap ngayon ang Pilipinas sa “pananalakay” ng Tsina sa South China Sea, kaya kailangang makipagtulungan ang Pilipinas sa Amerika, Australia at ibang mga bansa upang kapit-bisig na pigilin ang pagpapabagsak ng isang bansa sa isa pang bansa sa pamamagitan ng dahas.


Sinabi pa ni Romuladez, na pinag-iibayo ng Pilipinas ang pagsisikap upang mahanap ang alternatibong merkado, dahil isinasagawa ng panig Tsino ang “economic coercion” sa pamamagitan ng pagbabawas ng pag-aangkat mula sa Pilipinas.


Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas, na bilang pirmihang kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC), mahalagang puwersa ang Tsina sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagang panrehiyon at pandaigdig.


Kasama ng mga may kinalamang bansa, palagi aniyang nagpupunyagi ang panig Tsino upang maayos na mapangasiwaan ang hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.


Kasabay nito, matatag aniyang pangangalagaan ng panig Tsino ang sariling soberanya ng teritoryo at kapakanang pandagat.


Anang tagapagsalitang Tsino, ang Tsina ay pinakamalaking trade partner at pangunahing bansang pinagmumulan ng pamumuhunan ng Pilipinas, kaya napakalaking benepisyo ang inihahatid ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.


Ang kooperasyon aniya, ay malawak ding tinatanggapng mga Tsino at Pilipino.


Binabawela ng nasabing personahe ang pundamental na katotohanan, lantarang sinusulsulan ang isyu ng South China Sea, at dinudungisan ang Tsina.


Ito ay matatag na kinokondena ng panig Tsino, saad pniya.


Salin: Lito

Pulido: Rhio