Walang umano’y “panliligalig” ng panig Tsino sa bapor na Pilipino — Tagapagsalitang Tsino

2024-03-05 10:29:04  CMG
Share with:

Sa isang panayam, nanawagan Marso 4, 2024 si Enrique Manalo, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, sa panig Tsino na itigil ang panliligalig sa mga bapor na Pilipino sa South China Sea (SCS).

 

Kaugnay nito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagian at malinaw ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng South China Sea.

 

Aniya, ang mga kaganapan sa dagat kamakailan ay dulot ng madalas na pagsasagawa ng Pilipinas ng probokatibong aksyon sa SCS, at paglapastangan sa soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng panig Tsino.

 

Alinsunod sa batas, isinasagawa ng panig Tsino ang mga kinakailangang hakbangin upang ipagtanggol ang sariling soberanya at kapakanan, at walang anumang umano’y “panliligalig” ng panig Tsino sa mga bapor na Pilipino, dagdag pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil