CMG Komentaryo: Pagkakataon dala ng Tsina, di-maaaring masayang

2024-03-06 15:37:26  CMG
Share with:

Isinumite, Marso 5, 2024 ng pamahalaang Tsino ang government work report sa pambansang lehislatura para sa pagsusuri, at naakit nito ang pansin ng buong daigdig.

 

Itinakda rito ang humigit-kumulang 5% inaasahang target ng gross domestic product (GDP) ng bansa sa kasalukuyang taon, at ito ay kapareho ng target noong nagdaang taon.

 

Ayon sa maraming banyagang media, ang ganitong target ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng modernisasyon ng Tsina sa 2035.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, nanatili sa 2 hanggang 3 porsiyento ang paglago ng kabuhayan ng mga maunlad na bansa, at ipinakikita ng humigit-kumulang 5% target ng Tsina ang determinasyon at sigasig ng bansa upang tulungan ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.

 

Inilahad din dito ng pamahalaang Tsino ang mga pangunahing usapin sa kasalukuyang taon, na kinabibilangan ng puspusang pagpapasulong sa pagtatatag ng modernong sistemang industriyal; malalimang pagsasagawa ng estratehiya ng pagpapasigla ng bansa sa pamamagitan ng agham at edukasyon; at malakas na pagpapalaki ng domestikong pangangailangan, pagpapalawak ng mataas na lebel na pagbubukas sa labas at iba pa.

 

Sa pamamagitan ng roadmap ng Tsina, naging mas kongkreto ang kaalaman ng mga mamamayan sa “pagkakataong dala ng Tsina.”

 


Sa kasalukuyang government work report, nagsilbing hashtag ang “makabagong kalidad ng produktibong puwersa”.

 

Sa pananaw ng maraming dayuhang media, ang ganitong larangang may napakalaking nakatagong lakas ng pag-unlad ay magiging katalista ng paglago ng kabuhayan, at ipinakikita nito ang lalo pang pagpapahalaga ng Tsina sa inobatibong modelo ng pag-unlad.

 

Sa kalagayan ng lumalalang sagupaang heopulitikal at matumal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, hindi madaling isakatuparan ng Tsina ang inaasahang target, at kailangang-kailangan ang higit pang sigasig.

 

Para rito, ipinangako ng Tsina na ipagkakaloob ang makabagong pagkakataon sa daigdig, sa pamamagitan ng makabagong pag-unlad ng sariling bansa, at tiyak na matutupad ang pangakong ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio