Pulong ng pagpipinid ng Ikalawang Sesyon ng Ika-14 na CPPCC, idinaos

2024-03-10 11:14:27  CMG
Share with:

Great Hall of the People, Beijing — Idinaos kaninang umaga, Marso 10, 2024 ang pulong ng pagpipinid ng Ikalawang Sesyon ng Ika-14 na Pambansang Komite ng Chinese People's Political Consultative Conference (CPPCC), pinakamataas na organong tagapayo ng Tsina.


Dumalo rito sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar ng CPC, at mga lider ng partido at bansa.


Bumigkas naman ng talumpati si Wang Huning, Tagapangulo ng Pambansang Komite ng CPPCC.


Salin: Lito

Pulido: Rhio