Mensaheng pambati, ipinadala ng pangulong Tsino sa bagong halal na pangulo ng Pakistan

2024-03-10 11:18:12  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati, Marso 10, 2024 para kay Asif Ali Zardari, bagong-halal na pangulo ng Pakistan, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na mabuting magkapitbahay, magkaibigan, magkatuwang, at magkapatid ang Tsina at Pakistan.


Ang napakatibay aniyang pagkakaibigan ng dalawang bansa ay hindi lamang historikal na pagpili, kundi mahalagang kayamanan ng mga mamamayan ng kapuwa bansa.


Aniya, nitong ilang taong nakalipas, napanatili ng dalawang bansa ang mahigpit na pagpapalagayan sa mataas na antas, kumakatig sa isa't-isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong kapakanan, at nakamit ng konstruksyon ng China-Pakistan Economic Corridor ang kapansin-pansing bunga.


Dahil diyan, napakahalaga ang pag-unlad ng relasyong Sino-Pakistani, dagdag ni Xi.


Kasama ni Pangulong Asif Ali Zardari, nakahandang magsikap ang pangulong Tsino, upang mapalalim ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Pakistani, mapasulong ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan, at mapabilis ang pagtatatag ng mas malakas na komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Pakistani sa makabagong panahon.


Ito ay upang makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa, dagdag ni Xi.


Salin: Lito

Pulido: Rhio