“China 2024,” artikulo ni Elias Jabbour, unang Tagapayong Ekonomiko ng NDB

2024-03-10 15:46:08  CMG
Share with:

Sinulat kamakailan ni Elias Jabbour, unang Tagapayong Ekonomiko ng New Development Bank (NDB), ang isang artikulong may pamagat na “China 2024.”


Narito ang laman ng artikulo:


“Ang kasalukuyang kalagayang pangkabuhayan ng Tsina na nakikita sa media at akademikong magasin ng mga bansang Kanluranin ay hindi akma sa aktuwal na kalagayan ng kabuhayang Tsino.


Para sa mga taong nakatira sa mga bansang nasa hilaga, marahil na nararanasan ngayon ng Tsina ang isang napakalaking krisis na sumasagisag ng simula ng paghina ng “modelong Tsino.”


Para sa kanila, ito ay isang “aral” na dapat palakasin ng Tsina ang papel ng konsumo upang mahalinhan ang lumang modelong pundasyon na pagluluwas at pamumuhunan.


Ngunit sa katunayan, nakamit ng Tsina noong 2023 ang 5.2% paglaki ng kabuhayan.


Samantala, lumaki naman ng 2.5% ang kabuhayan ng Amerika, 1.9% ang sa Hapon, 0.9% ang sa Pransya, at -0.1% ang sa Britanika at Alemanya.


Sa aspekto ng produktibidad ng paggawa, 4.8% ang bahagdan ng paglaki ng Tsina noong 2023, -0.7% ang Amerika, at -0.3% ang Alemanya.


Ito ay palatandaang patuloy at mabilis na nahihigitan ng Tsina tungo ang mga pangunahing ekonomiya sa daigdig.


Lalong lalo na, mula noong 2020, laging mas mataas ang kita ng kabuhayang Tsino kaysa kinakailangang lebel, sa pamamagitan nito, nasa tamang landas ang Tsina upang maisasakatuparan ang target sa 2035.


Ibig sabihin, posibleng maagang maisakatuparan ng Tsina ang inaasahang hangarin ng pag-unlad ng liderato ng bansa.


Tanong: bakit hindi lamang matagumpay na napapanatili ng Tsina ang kinakailangang lebel ng pag-unlad, kundi patuloy rin itong nagiging pinagmumulan ng kasaganaan at kaunlaran ng ibang mga lugar ng daigdig, partikular ng mga bansa sa timog?


Halimbawa, iniharap noong Setyembre, 2013 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang “Belt and Road” Initiative, at sa ngayon, 154 nang bansa ang sumapi rito.


Sa ibang salita, walang anumang ebidensyang pumapasok ang kabuhayang Tsino sa “Chernobyl moment.”


Pinapalabas ng marami ang malaking problema sa industriya ng real estate ng Tsina.


Bilang tugon, ginagawa ng Tsina ang mga katugong estratehiya ng transpormasyon, bagay na nakakapagpasulong sa pag-unlad ng bansa.


Halimbawa, dinaragdagan ang kredit ng mga departamentong industriyal, partikular ang  kredit ng mga may kaugnayan sa hay-tek na industriya.


Ayon sa datos ng People’s Bank of China, noong ika-3 kuwarter ng 2023, lumaki ng 34.2% ang nakuhang industriyal na kredit, at 4.8% lang ang nakuhang kredit ng industriya ng real estate.


Sa harap ng pambubuskang komersyal at teknikal ng Amerika, buong sikap na itinatayo ng Tsina ang komprehensibong soberanyang teknikal.


Sa kabila ng napakalaking kahirapan sa nasabing transpormasyon, napapabilis ang konstruksyon ng de-kalidad na pag-unlad ng bansa.


Ito ay sumasagisag ng pagbuti ng mga pampublikong serbisyo, at pagtatamasa ng mga mamamayan ng mga bagong karapatan at kapakanang kinabibilangan ng modernong ospital, paaralan, at inkulsibo at matalinong lunsod.


Ang lahat ng bagong puwersang panulak sa kabuhayan ay posibleng maging pundasyon ng “new quality productive forces” na iniharap ni Pangulong Xi Jinping.


Maaaring itanong ng mga taong interesado sa kinabukasan ng Tsina, “may posibilidad bang mapanatili ang parehong lebel ng paglaki sa pangangailangan ng bansa?


Halimbawa, idineklara sa seremonya ng pagbubukas ng “Dalawang Sesyon” ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang hangarin ng paglaki ng 5% sa 2024.


Ang hangaring ito ang isinasagawang inobasyon ng Tsina sa sistema at pagreresolba ng mga problema sa proseso ng pag-unlad, sa halip ng purong optimismo sa kinabukasan ng kabuhayang Tsino.


Laging binabalewala ng mga bansang Kanluranin ang bentahe ng Tsina sa pagsasakatuparan ng paglaki at paghahanap-buhay: una, ang bansa ay may 96 na malalaking kompanyang ari ng estado at 144 na malalaking organo ng pampublikong pinansiya; ikalawa, sa pundasyon ng malawakang paggamit ng big data, AI, 5G at iba pang mga inobasyong teknikal, pinasimulan ng Tsina ang makabago at napakahusay na porma ng pagpaplano ng kabuhayan.


Kaya, nananalig akong mapapanatili ng kabuhayang Tsino ang paglaki na tumga sa pangangailangan ng sariling pag-unlad at buong daigdig.


Sa 2024, makikita nating walang patid na mapapatibay at mapapatatag ang puwersang panulak ng pag-unlad na may pundasyon ng “new quality productive forces.”


Tapos.


Salin: Lito

Pulido: Rhio