Pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa unang dalawang buwan ng 2024, lumaki ng 8.7%

2024-03-10 11:20:30  CMG
Share with:

Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, umabot sa 6.61 trilyong yuan RMB (mga $US919.8 bilyon) ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa noong unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon.


Ito ay mas malaki ng 8.7% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Kabilang dito, 3.75 trilyong yuan (mga $US521.8 bilyon) ang kabuuang halaga ng pagluluwas, at 2.86 trilyong yuan (mga $US398 bilyon ) naman ang kabuuang halaga ng pag-aangkat.


Sa kabilang dako, lumaki rin ang pagluluwas ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa parehong panahon.


Umabot sa 993.2 bilyong yuan (mga $US138.2 bilyon) ang kabuuang halaga ng kalakalang Sino-ASEAN na mas malaki ng 8.1% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.


Ito ay katumbas ng 15% ng kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina.


Salin: Lito

Pulido: Rhio