Sa iba’t-ibang probinsya’t rehiyon ng Tsina, abalang-abala kamakailan ang mga magsasaka sa pamimitas ng dahon ng tsaa sa Tagsibol.
Tuwing sasapit ang Marso, sabik na hinihintay ng mga tagahanga ng tsaa pagsisimula ng anihan sa Tagsibol.
Ang mga bagong-usbong na dahon sa unang dako ng Tagsibol ay mas malambot at matamis kaysa sa mga dahon sa ibang panahon ng taon.
Ang mga dahon ng tsaa sa Tagsibol na inaani bago ang Qingming Festival o Tomb-Sweeping Day ng Tsina na madalas na natatapat sa pagitan ng ika-4 hanggang ika-6 ng Abril, ay tinatawag na “Ming Qian Tea.”
Salin: Kulas
Pulido: Rhio