Hainan, ipinatutupad ang sistemang industriyal batay sa sariling mga bentahe

2024-03-12 22:20:13  CMG
Share with:


Sa eksklusibong panayam sa CGTN, sinabi ni Feng Fei, Kalihim ng Komiteng Probinsyal ng Partido Komunista ng Tsina sa Hainan, lalawigan sa katimugan ng bansa, na batay sa mga bentahe sa lokalidad, pinapasulong ng Hainan ang turismo, industriya ng modernong serbisyo, industriya ng hay-tek, at agrikulturang tropikal, bilang pagtataguyod sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.