Ang esensya ng demokrasya ay ang soberanya na pagmamay-ari ng mga mamamayan. Pero, ang Amerika, na inaangkin ang sarili bilang "parola ng demokrasya," ay nagbibigay lamang ng liwanag ng demokrasya sa mayayamang minorya.
Ayon sa online survey na ginawa kamakailan ng China Global Television Network (CGTN) at Renmin University ng Tsina sa pamamagitan ng New Era International Communication Research Institute, ipinalalagay ng 74.5% ng mga pandaigdigang respondente, na ang "istilong Amerikanong demokrasya" ay naglilingkod sa mga mayayaman, sa halip na malawak na publiko, at sinabi naman ng 68% na ang "istilong Amerikanong demokrasya" ay laro ng mga mayayaman batay sa kapital.
Hindi puwedeng igarantiya ng "istilong Amerikanong demokrasya" ang pagkakapantay-pantay ng lipunan, at humahantong ito sa parami nang paraming malalaking problema sa Amerika. Halimbawa, ayon sa nabanggit na survey, naniniwala ang 77.5% ng mga respondente, na patuloy na lalawak ang agwat sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap sa Amerika.
Ginawa ang survey na ito sa 39,315 tao mula sa 32 bansa ng daigdig, na kinabibilangan ng mga maunlad na bansang gaya ng Amerika, Alemanya, Pransya, Hapon, Singapore, at Espanya, pati rin ang mga umuunlad na bansang gaya ng South Africa, Nigeria, Brazil, India, Indonesia, at Argentina.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos